Mga banta ukol sa Kapabayaan ng Pansariling Kalinisan ng mga Tomasino
Sa panahong ito, madaling makalimot na dapat alagaan ang ating sarili. Sa rami ng ating inaabala, 'di na natin napapansin ang ating kalusugan kaya't naman mas lalo pa itong magiging sagabal sa ating gawain kung tayo'y magkakasakit.
Tayo'y mas napapagod tulad nitong pusa |
Gayonpaman, ating dapat sanayin ang ating mga sarili sa pagsunod sa mga kasanayang makabubuti sa ating mga kalusugan.
Ang aming grupo ay nagsagawa ng obserbasyon sa loob at labas ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Sa aming paglalakbay patungo sa nasabing institusyon, aming nasilayan ang ibang karatig lugar na nakapalibot sa unibersidad. Ang ilang nasabing mga daanan ay lubos na nakapukaw ng aming atensyon sa kadahilanang ang ilan sa mga ito ay nasa hindi kaaya-ayang kalagayan. Sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay sa loob ng nasabing unibersidad, hindi maikakaila na maayos ang mga pasilidad nito; ngunit, hindi pa rin maiiwasan na mapansin ang ilang pasilidad na may karumihan, kabilang na ang mga palikuran, tulad ng malapit sa Central Seminary Gym.
Ang mga nasabing salik ay maaaring labis na maka-apekto sa hygiene ng isang tao na maaaring magresulta sa komplikasyon ng kanyang kalusugan. Dahil dito, labis kaming nabahala sapagkat dapat bigyan ito ng pansin ng unibersidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, at iba pang gumagamit nito mula sa mga mikrobyo o bakterya na maaaring magdulot ng sakit.
Isa sa mga pinakamabisang paraan upang maiwasan natin ang mga sakit ay ang magandang pag-aalaga upang matiyak ang kalinisan ng ating katawan. Isa sa mga problema na aming napansin pagtapos naming magsagawa ng mga eksperimento sa Chemical Laboratory ay ang paghawak o paghaplos sa ibang tao, sapagkat kami ay humahawak ng iba’t ibang kemikal kaya kung hindi nakapaghugas nang maigi at mayroon pang naiwang mga tira-tira o bakas sa aming mga kamay ay maaari itong magdulot ng masama sa balat o katawan. Kapag naman hindi pa naghuhugas ng kamay at biglang naipahid ito sa mga labi o malapit sa bibig, o di naman kaya ay kumain, ay maaari rin itong magdulot ng pagkalason. Napakaimportante rin na siguraduhing nalinis muna ang mga kagamitan bago ito gamitin sa eksperimento dahil may tiyansang makaapekto ito sa mga resultang makukuha. May mga panahon rin na hindi kumpleto ang pamprotektang kasuotan kaya naman kapag walang face mask ay nalalanghap ang masasamang amoy ng mga kemikal na kalimitang may masamang epekto sa kalusugan, at kapag walang safety goggles ay may posibilidad na matalsikan ang mata na maaaring magdulot ng komplikasyon sa paningin. (Ang)
Kaya naman ang ilan pa sa mga pinakamabisang paraan upang maiwasan ang masamang epekto ng mga kemikal na ito ay ang paggamit ng mga pamprotektang kasuotan tulad ng laboratory gown, face mask, safety goggles, at guwantes. Dapat rin na hugasan at punasan ang mga kagamitan o aparato para malinis itong magagamit sa susunod na eksperimento. Itapon na sa tamang tapunan ang mga kagamitang dapat nang itapon at hangga’t maaari ay punasan ang lugar pagawaan upang mapanatilling malinis ito para sa susunod na gagamit o sa susunod na gagawing eksperimento. (Gasacao)
Ang matiwasay na pakikisalamuha ay maituturing na isa sa pinakamagandang kaugalian nating mga Pilipino. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magiliw sa sosyal na pamamaraan. Kung kaya naman, ang pagiging maayos sa pansariling kalinisan ay isang mahalagang bagay na kinakailangang isaalang-alang. Kalakip ng pagkakaroon ng interasksyon sa iba ay ang posibilidad na makahawa o makakuha ang isang indibidwal ng sakit. Halimbawa na lamang nito ay ang pakikipagkamay sa isang indibidwal na may communicable disease o nakahahawang sakit. Ang pagkakaroon ng pisikal na kontak ay maaaring maging sanhi ng paghawa at pagkalat ng sakit.
Base sa impormasyon mula sa Department of Health Center for Health Development, Acute Respiratory Infection, Influenza A (H1N1), Bird Flu (Avian Influenza), Chickenpox, at Cholera
ang lima sa pinakatampok na sakit sa Pilipinas na dulot nang pisikal na kontak. 1
Ayon sa Philippine Health Advisory, ang isa sa pinakakaraniwang sakit na dulot ng Acute Respiratory Infection ay Pneumonia. Sa katunayan, maitatala na nasa 75,970 na ang bilang ng nasawi dulot ng nasabing sakit. Ito rin marahil ang dahilan kung ba't ika-24 ang Pilipinas sa listahan sa buong mundo ng may pinakamaraming tala nang nasawi dulot ng Pneumonia.2 (Raymundo)
Sa aming paglilibot sa iba’t ibang sulok na kalapit ng UST, aming napansin ang hindi mainam na pagtatapon ng mga basura. Makikita mula sa imahe ang mga basura tulad na lamang ng mga balat ng prutas, plastik, at iba pa. Bunsod nang hindi mainam na pagtatapon ng mga basura, naging laganap na rin sa lugar ang mga nagliliparang insekto na maaaring makapagdala ng iba't ibang uri ng sakit.
Isa sa pinakapopular na sakit na dulot ng maruming kapaligiran at nagliliparang insekto ay ang food poisoning. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 351,000 ang bilang ng taong nasasawi kada taon sa mundo dulot ng foodborne diseases. Karaniwang nakukuha ang ganitong sakit sa pamamagitan ng cross-contamination. Sa isang pahayag ni Marian de Leon, isang microbiologist, kanyang sinabi na " ‘Pag sinabing cross contamination, ito ‘yung pagsalin o paglipat ng mga nakasasamang mikrobyo sa kontaminadong pagkain papunta sa ibang pagkain". 3 Maaring maging medyum ng pagde-desimina ng mikrobyo ang marungis na kamay, mga insekto tulad ng langaw, at iba pa. (Raymundo)
Ang diarrhea ay kadalasang dahil sa pagkain ng mga pagkain may mikrobyo o kaya naman ay pagkakaroon ng hindi maayos na kalinisan sa katawan. Ang isang tao ay mayroong diarrhea kung siya ay tumae matubig-tubig ng mahigit apat na beses sa isang araw. Kadalasan ang mga estudyante ay hindi na naiisipang maghugas ng kamay bago kumain lalo't na sila lagi ay nagmamadali at kulang na sa oras, kaya naman sila ay ang kadalasang nagkakaroon ng diarrhea dahil may posibilidad na ang mikrobyo na galing sa kanilang kamay ay mapunta sa kanyang bibig at tuluyang makapasok sa kanyang katawan. Ang diarrhea ay nakakasama sa katawan dahil ito ay nagdudulot ng dehydration,electrolyte imbalance at pagkawala ng nutrisyon sa katawan, dagdag pa dito ayon sa World Health Organization, ito raw ay kadalasang nangyayayari sa mga developing countries tulad ng Pilipinas dahil sa hindi magandang paglilinis at pagaalaga sa sariling katawan. (Ang)
Ang UTI ay isa sa pinakakilalang sakit na maaaring makuha mula sa marurungis na palikuran. Ito ay ang impeksyon sa kahit anong parte ng urinary system ng isang indibidwal. Bladder ar Urethra, na nasa ibabang bahagi ng urinary system, ang kadalasang naapektuhan dulot ng impeksyon. Kadalasang sintomas ng nasabing sakit ang mas madalas na pag-ihi, masakit na pah-ihi, dugo o nana sa ihi, mas mapanghing ihi, kaunting paglabas ng ihi, masakit na pakikipagtalik, pagsakit ng puson, pagkahilo at pagsusuka, panghihina ng katawan, at lagnat (RiteMed, 2018). 4 Base sa tala ng Department of Health (DOH) o Kagawaran ng Kalusugan, ika-lima ang UTI sa pinakatampok na sakit dulot ng impeksyon, at nagtatala ng halos 276,442 na kaso sa Pilipinas. 5 (Raymundo)
Ang kamay ang isa sa mga pinakamadaling kapitan ng dumi sapagkat ito ang ginagamit natin bilang pangunahing bahagi ng katawan upang hawakan ang ibang bagay, kagaya na lamang ng gripo, doorknob at flush ng inidoro sa palikuran. Ayon sa survey, tinatayang 60% ang hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos umihi, at 40% ang hindi naghuhugas ng kamay pagtapos dumumi. Ang mga sakit na makukuha sa hindi paghuhugas ng kamay ay: Pagtatae, Lagnat, Typhoid Fever, Ubo at Sipon, , Hepatitis A, Cholera, at Gastroenteritis, dahil sa mga nakatagong mikrobyo at sakit na hindi natin nakikita. Kapag dumumi at hindi naghugas ng kamay at humawak sa gripo o door knob, maiiwan doon ang bakterya. Tapos, may susunod na papasok sa banyo at hahawak sa door knob, at doon mahahawa na siya ng sakit. (Gasacao)
Isa ang Gastroenteritis sa mga sakit na nakukuha dahil sa hindi paghuhugas ng kamay. Ito ay iritasyon o pamamaga ng tiyan at bituka dahil sa impeksyon na dala ng mikrobyo, at may sintomas na pagtatae, na may kasamang pagkahilo at pagsusuka. Ito ay lubhang nakakahawa, na karaniwang nakukuha mga bata, mula sa mga bagay na madalas nilang hinahawakan tulad ng laruan at ng pagkain. Masasabi ri na bawat taon ay lumalala ang ang kasong ito sa bansa, dahil sa bawat taon ay tumataas ang bilang ng naaapektuhan nito. tulad na lamang noong mga nakaraang taon, ang Pangasinan ang may pinakamalaking bilang na umaabot sa 6,000 kaso, at tumataas pa bawat taon.
Importante na laging ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos gawin ang mga bagay-bagay, tulad ng paggamit ng palikuran o banyo, lalo na kung ito ay pampubliko sapagkat marami o iba’t ibang klase ng tao ang gumagamit nito na maaaring may dalang sakit, at iba pang mga mikrobyo o bakterya. Kaya naman nararapat lamang na sanayin ang ating sarili na maghugas ng kamay, lalo na ang mga bata pa, para matuto ng tamang gawi sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan. (Gasacao)
Tandaan din lagi na hindi sapat ang paghugas gamit lamang ang tubig, kailangan rin gumamit ng sabon sapagkat mayroon itong mga sangkap na nakapagtatanggal o nakapagbabawas ng mga mikrobyo, at mas mainam na rin kung pagkatapos maghugas ay gagamit ng hand sanitizer upang masiguro ang kalinisan ng kamay. (Gasacao)
Ang
paraang paglinis ng kamay ay isang gawain na dapat palaging gingagawa. May mga
hakbang ang paglinis ng kamay:
1. Basain ang iyong mga kamay ng malinis na tubig (mainit o malamig), isara ang gripo, at ilapat ang sabon.
2. Kuskusin ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng
paglagos sa kanila kasama ng sabon. Punan ang mga likod ng iyong mga kamay, sa
pagitan ng iyong mga daliri, at sa ilalim ng iyong mga kuko.
3. Kuskusin iyong mga kamay ng hindi bababa
sa 20 segundo. Humuni ng awit na "Maligayang
Kaarawan" mula sa simula hanggang katapusan ng dalawang beses.
4. Hugasan ang iyong mga kamay sa ilalim ng malinis na tubig.
5. Patuyuin
ang iyong mga kamay gamit ang isang
malinis na tuwalya o air-dryer. (Dacuyan)
Sa aming paglalakbay, may nakita kaming mga basurahan na may pangalan na biodegradable at non-biodegradable. Sa biodegradable na basurahan, dito ilalagay ang mga bagay na nabubulok kagaya ng mga tiratira ng pagkain, koton, lana, kahoy, basura ng tao at hayop, mga produktong ginawa batay sa mga likas na materyales (tulad ng papel, mga produkto ng punungkahoy at sabon batay sa langis). Sa non-biodegradable naman, dito ilalagay ang mga bagay na di-nabubulok gaya ng mga plastik, bote, elektronikong basura, nuclear waste, hazardous waste. Kinakailangan na tama ang pagtapon ng basura dahil ito nakasisigurado na walang contamination ng mga basura at di magkakaroon nga mga malubhang sakit na nakakahawa. (Dacuyan)
Sa mga numerong nakikita sa imahe galing sa Safeguard, makikitang ang mga Pilipino ay wala pang alam sa kahalagahan ng paghugas ng kamay. Ang Pilipino ay humahawak ng 23 iba't ibang tao sa isang araw o umaabot ng 90 na hipo sa isang araw. Samantalang 5 beses lang naghuhugas ng kamay ang karaniwang Pilipino. Ang mga istatistikong numero na ito ay isang tanda na isa itong problema sa lipunan. Ang hindi paghugas ng kamay ay maaring nakakapagdulot ng mas masamang epekto sa kalusugan dahil sa kahawaan ng mga mikrobyo na nakakapagdulot ng mga iba't ibang sakit. (Dacuyan)
Ating ninanais na ang ating mga kamay ay parating malinis ngunit ito’y hindi madaling gawin sapagkat, tulad nga ng binanggit kanina, ang ating mga kamay ay madaling kapitan ng dumi sapagkat ito ang ginagamit natin bilang pangunahing bahagi ng katawan upang mahawakan ang iba’t-ibang bagay. Ngayon, maaari nating sabihin na hindi palagi na tayo’y makakapunta sa isang malinis na banyo upang maghugas ng kamay at mayroong mga sitwasyon na kinakailangan ng malinis na kamay, tulad nalang ng paghawak sa pagkain.
Isang maaaring solusyon sa suliraning ito ay ang pagdala ng hand sanitizer o alcohol. Ang mga ito ay nakakatulong sa pag-alis ng dumi at pagbawas ng mikrobiyong maaaring pagmulan ng sakit sa tao. (Vinzon)
Sa panahon ng tag-ulan sa ating bansa, malamang sa malamang ay magdudulot ng pagbabaha. Kasabay ng pagbaha ng tubig-ulan ay ang pagragasa ng mag sakit katulad ng dengue at leptospirosis. Iniulat ng Department of Health na may 26, 000 na kaso ng dengue sa unang tatlong buwan ng 2018 lamang, at ang mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas ay tumaas ng 41% sa taon na ito. Ang dengue ay nag-uugat sa kagat ng lamok na may aedes agypti at ang leptospirosis naman ay nagmumula sa paglusong sa baha na mayroong leptospira. Sa pagsunod ng mga wastong hakbang upang mapanatili ang kalinisan sa katawan ay magbibigay proteksiyon laban sa mga sakit. (Santamaria)
PANGWAKAS
Sa ating pagtalakay ng mga suliranin, tayo'y lubos na nagkaroon ng mga ideya tungkol sa iilang sakit na maaaring makuha sa hindi maayos na pangangalaga ng sarili. Mapapansin din na may iilang mga nabanggit na pahayag na maaaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Subalit, upang lubusang magkaroon ng malalim na ideya sa wastong pag-aalaga sa pansariling kalinisan, wag kalilimutang abangan ang susunod na blog.
ISANG PAHAPYAW SA SUSUNOD NA BLOG
Ang pagpapanatili ng personal na kalinisan ay isang mahalagang aspeto na dapat maisagawa hindi lamang sa larangan ng medisina, kung hindi sa pang-araw-araw na buhay rin. Mahalagang panatiliin ang personal na hygiene, lalo na sa larangan ng medisina, upang maiwasan ang mga impeksyon at sakit na maaaring makuha mula sa trabaho. Ang pagkamulat at pagkakaroon ng kamalayan ng nakararami ukol sa isyung ito ay magdudulot ng mababang porsyento ng pagkahawa sa mga sakit na nagmumula sa maling pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. Masisigurado ang masaganang kalusugan ng mag mamamayan ng Pilipinas kung maisasakatuparan ang mga hakbang na ito. (Santamaria)
Mga Sanggunian:
1. Department of Health Center for Health Development (2018). Infectious Diseases. Mula sa http://caro.doh.gov.ph/?page_id=383
2. World Health Rankings (2018). Philippines : Influenza and Pneumonia. Mula sa https://www.worldlifeexpectancy.com/philippines-influenza-pneumonia
3. ABS CBN News (2016). WHO: 351,000 people die of foodborne diseases yearly. Mula sa https://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/05/30/16/who-351000-people-die-of-foodborne-diseases-yearly
4. RiteMed (2018). URINARY TRACT INFECTION: Urinary Tract Infection o Impeksyon sa Pag-Ihi. Mula sa https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/urinary-tract-infection
5. Republic of the Philippines Department of Health (2013). Morbidity: Ten (10) Leading Causes. Mula sa https://www.doh.gov.ph/node/6390
6. Safeguard and Alden Richards Celebrated Global HandwashingDay(2017). Mula sa http://www.purplepieces.com/safeguard-alden-richards-celebrated-global-handwashing-day/
3. ABS CBN News (2016). WHO: 351,000 people die of foodborne diseases yearly. Mula sa https://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/05/30/16/who-351000-people-die-of-foodborne-diseases-yearly
4. RiteMed (2018). URINARY TRACT INFECTION: Urinary Tract Infection o Impeksyon sa Pag-Ihi. Mula sa https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/urinary-tract-infection
5. Republic of the Philippines Department of Health (2013). Morbidity: Ten (10) Leading Causes. Mula sa https://www.doh.gov.ph/node/6390
6. Safeguard and Alden Richards Celebrated Global HandwashingDay(2017). Mula sa http://www.purplepieces.com/safeguard-alden-richards-celebrated-global-handwashing-day/
Comments
Post a Comment