Mga banta ukol sa Kapabayaan ng Pansariling Kalinisan ng mga Tomasino
Sa panahong ito, madaling makalimot na dapat alagaan ang ating sarili. Sa rami ng ating inaabala, 'di na natin napapansin ang ating kalusugan kaya't naman mas lalo pa itong magiging sagabal sa ating gawain kung tayo'y magkakasakit. Tayo'y mas napapagod tulad nitong pusa Gayonpaman, ating dapat sanayin ang ating mga sarili sa pagsunod sa mga kasanayang makabubuti sa ating mga kalusugan. Ang aming grupo ay nagsagawa ng obserbasyon sa loob at labas ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Sa aming paglalakbay patungo sa nasabing institusyon, aming nasilayan ang ibang karatig lugar na nakapalibot sa unibersidad. Ang ilang nasabing mga daanan ay lubos na nakapukaw ng aming atensyon sa kadahilanang ang ilan sa mga ito ay nasa hindi kaaya-ayang kalagayan. Sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay sa loob ng nasabing unibersidad, hindi maikakaila na maayos ang mga pasilidad nito; ngunit, hindi pa rin maiiwasan na mapansin ang ilang ...
Comments
Post a Comment